Biyernes, Nobyembre 11, 2011

Solusyon: Dapat ngayon!

                               Pinaiyak!Sinaktan! Nilapastangan!
                               
                                Ako: Ikaw ang salarin sa lahat ng ito! Ikaw, ikaw cyber bullying! Ilan na ba ang taong iyong pinaiyak? Ilang damdamin na ba ang iyong sinaktan? At higit sa lahat ilang reputasyon na ba ang iyong nilapastangan? Hindi mo alam ‘di ba? Madami.
                              
                                Isang makabagong paraan ng pang-aapi ang umuusbong. Ito ang cyber-bullying. Ano nga ba ang cyber-bullying? Ang cyber bullying ay paggamit ng makabagong teknolohiya upang makapaminsala ng tao sa isang paraan na pagalit, pauli-ulit at bastos. Sakop ng simpleng krimeng ito ang pagbabanta, mga sexual remarks o paninira ng pangalan. Isa itong kasalanan na dapat ay pinagtutuunan ng atensyon ng ibat-ibang bansa. Hindi lang ang biktima ang maaaring maapketuhan kundi pati rin ang malalapit sa kanya. Napaka-asim ‘di ba? Parang sukang paombong lang.

            Ayon sa pag-aaral sa Estados Unids, ang mga edad 12 hanggang 13 ang kalimitang nagpapatiwakal dahilan sa cyber bullying. Saklap! Isa sa pa masamang epekto ng cyber bullying ay nagiging malayo ang isang biktima sa tao. Umiiwas sila na magkaroo ng kaibigan. Isang talaga itong sakit na unti-unting pumapatay sa dignidad ng kabataan.
                                
                  Talagang mapaminsala ang cyber bullying. Sasabihan mo ang iyong biktima ng kung anu-ano ng walang batayan. Ito ay tinatawag na slander. Masakit man isipin pero si Megan Meier ay nagpakamatay dahil sa krimeng ito. Kawawa talaga ang ga biktima.

                      Mga tips para maka-iwas sa cyber-bullying:
  • ·         Umiwas sa mga chatrooms
  • ·         Palitan ang numero ng inyong telepeno
  • ·         Huwag makipag-chat sa mga hindi kakilala
  • ·         Gumawa ng bagong account kung kinakailangan

                               


Ano ang ginagampanang responsiblidad ng paaralan sa isyung ito?
Napakalaki ng maaring maitulong ng paaralan hinggil sa isyung ito. Kapag nahuli sa aktong nang-aapi ang bata online, mmaring siyang patawan ng mabugat na parusa. Tuturuan din ng paaralan ng tamang cyberethics ang mga mag-aaral at mga batas na maaring magparusa sa kanila.
                                
          Ano responsibilidad ng isang magulang sa problemang ito?
Sa loob ng tahanan nagsisimula ang lahat. Dito nating natututunan ang magagabdanag asal. Ang magulang ang dapat magturo nito sa kanilang anak. Pwede nilang bigyan ng parusa ang anak nila kung ginawa ang cyber bullying. Ang magulang rin kasi minsan ang nagiging sanhi kung bakit nagagawa ng bata ang pang-bubully. Dapat maging maingat ang mga mgauklan sa kanilang mga salita kapag pinagsasabihan ang kanilang mga anak. Dapat ring maging supportive ang mgaulang para maliwanagan ang isip ng bata.

Umaksyon! Ito ang tamang solusyon! Edukasyong ang unang paraan. Ang edukasyon ang nagpapabatid sa atin ng mga tamang pagkilos. Ang guro ang siyang instrument para umiwas sa tukso mang-bully ang mga bata. Maaring ring sabihin natin sa ating mga estdyante na “Bitawan mo ang mouse at lumayo ka sa computer, panigurado wala kang masasaktan!”.Ituro rin dapat na kung maari ay tumahimik na lamang para walang masaktan!

Ito ay isang suliranin na ating hinaharap sa makabagong mundo. Suliraning dapat solusyunan. Ang aksyon ay dapat…NGAYON!


Sources:



                               










1 komento: